Wednesday, 18 September 2019

Malawak na Tanawin

Habang ikaw ay naglalakad papunta sa lugar na ito makikita mo ang ibang parte nito. Makikita mo ang tanawin na kakaiba. Mapakaganda sa mata ang lugar na ito. Kulay berde ang makikita mo kahit saan ka tumingin. Magandang puntahan ang lugar na ito dahil natatanging ganda nito lalong lalo na kapag maaraw. Makikita mo ang tanawin nang napakaliwanag. Magandang puntahan ang lugar na ito kasama ang iyongkaibigan, pamilya o kahit sino dahil ang lugar na ito ay nagpapagaan ng kalooban.


Sa lugar na to nagpahinga kami sahil malayo na ang aming napuntahan. Ang iba sa amin ay naglaro sa harap namin. Kahit sobrang lakas ng init ng araw ay patuloy pa rin silang naglalaro. Hindi mo naman maramdaman ang init ng araw dahil lakas ng hangin na nasa lugar. 


Dahil sa ganda ng lugar kumuha kami ng mga larawan para mayroon kaming makikita sa paglipas ng panahon. 


Pagdating namin dito sa ilalim ng mga malaking halaman ay nagpahinga kami at kumain. Habang kumakain kami ay nagkuwentuhan kami tungkol sa mga buhay namin. Pagkatapos ay naglaro na naman kami ulit sa ilalim ng araw. Ilang oras ang ginugol namin sa pagpunta namin dito para hindi masayang ang panahon.



Ito ang huling lugar na pinuntahan namin. Umiikot kami hanggang napunta kami sa lugar na ito. Napakaganda ng tanawin na talagang mabibighani ka. Sa ganda ng tanawin ay gusto mong balik balikan ang lugar na ito. 





Realisasyon:
Ang paglalakbay ay isang paraan para mapatibay ang relasyon ng magkakaibigan, sa pamilya at iba pang pwede mong makasama sa pagpunta sa lugar na ito.



Sunday, 15 September 2019

Ang Tanawin na Kakaiba



Ang Plaza Independencia isa sa mga pasyalan dito sa Cebu. Marami ang pumupunta dito para maglibang, mag-insayo o di kaya'y magpahinga. Maraming pwedeng gawin sa lugar na to. Nasa sayo lang kung ano ang gusto mong gawin. Maraming turista ang pumupunta dito dahil sa angking ganda, kultura at nakakawala ng mga problema dahil sa mga halamang bumabalot nito na siyang lumilibang samga turista at mga namamasyal.


Isa ito sa mga tanawin na makikita mo sa lugar na ito. Ang monumentong ito ay may malaking naiambag sa bansa. Kung ikaw ay hindi taga rito, talagang mabibighani ka sa ganda ng tanawin. Ang lugar na ito ay dinadayo ng mga turista dahil sa angking ganda nito at ang kultura sa likod nito.



Sa parte na 'to marami ang kumukuha ng laraawan dahil sa nakagandang tanawin. Tinatawag itong "Memory Lane" dahil marami kang maalala sa tuwing pumupunta ka dito. May iba't ibang anggulo sa lugar na 'to. Marami kang alala na hindi mo malilimotan sa lugar na ito dahil kapag nakapunta ka dito hindi mo mapigiulan ang kumuha ng mga litrato dahil napakaganda ng tanawin dahil da halamang nakabalot sa lugar.





Ang lugar na ito ay ang Monumento ni Miguel Lopez de Legaspi. Siya ang Unang Gobernor na lumaban para sa bansang Pilipinas. Ang isang ito ay napakagandang tanawin dahil sa mga nakapaligid nitong mga halaman na siyang pumapawi sa iyong nkalungkutan. Hindi ka magsisisi na pumunta ka sa lugar na ito dahil napakaganda at nakakabighani.

Dito naman ay ang Tartanilla na ginagamit para paghatid at pagkuha ng mga namamasyal. Hanggang ngayon ay mayroon pa rin ito sa ibang parte ng Cebu.Sa lugar na ito ay malalaman mo ang iba't ibang kultura sa Cebu. Hindi lang ganda ang angkin sa lugar na ito kundi pati na rin ang kultura na nasa likod na siyang bumibighani sa mga turista na bumibisita sa lugar.



Realisasyon:

               Sa unang pagpunta ko pa lang dito ay nakaramdam ako ng kakaiba. Habang ako ay naglalakad unti-unting nawawala ang pagod na nararamdaman ko. Ang tanawin ay nakakabighani dahil sa ganda. Simula noon, kapag may bakanting oras ako pupunta ako sa lugar na ito para mapawi ang aking mga karamdaman. Kung pupunta ka dito hinding hindi ka magsisisi dahil sa tanawin na kaaya-aya at magandang tignan. 

Wednesday, 11 September 2019

Epekto ng Teknolohiya sa mga Mag-aaral


Ang bagay na ito ay napakalaki ng epekto sa mga mag-aaral. Karamihan ng mag-aaral ay meron na nito. Dahil ito ay maraming pakinabang sa mag-aaral subalit nakadepende  ito sa paggamit. Marami itong magagawa at napapabilis pa subalit meron din itong "disadvantages" dahil sa mali o subrang paggamit nito.






Karamihan sa mga mag-aaral ngayon ay nakadepende sa iba't ibang klase ng teknolohiya. Dito na lang sila kumakapit. Kahit sa simpleng bagay o gawain sa pag-aaral, ginagamitan agad nito.







 Ayon sa aking obserbasyon karamihan ng mga mag-aaral ngayon ay hindi na nakikinig sa guro sa oras ng klase. Ang iba ay naglalaro, ang iba naman ay nagfafacebook, at meron ding nagbabasa ng ebook. Ito ay ang mga maling paggamit ng teknolohiya dahil siguro hindi nila alam ang epekto nito sa kanilang pag-aaral.





Sa oras ng "recess", sa halip na bibili ng pagkain ay naglalaro na lamang sila. Napapabayaan na ang kanilang pagkain. At sa halip na gagawa ng mga takdang aralin o ano mang gawain sa paaralan ay ginugugol na lamang nila sa paggamit ng teknolohiya na wala namang maitutulong sa kanilang pag-aaral.



Pagdating nila sa bahay ay agad silang kukuha ng kani-kanilang "cellphone" para magfacebook, maglaro ng online games, magbasa ng ebook at iba pang gawain na meron sa teknolohiya. Ang oras na sana ay ginugugol sa pakikipag-usap sa kani-kanilang pamilya ay pinagpalit nila sa paggamit ngn teknolohiya.


Kung ikaw ang nasa posisyong ito, ano ang gagawin mo na alam mo na ang pinagbago simula nang dumating ang iba't ibang teknolohiya?

Kaibigang tunay




Nagsimula ang aming pagkakaibigan noong may ginawa kaming gawain sa isang asignatura. Simula noon palagi na kaming nagtutulungan sa mga gawain sa paaralan.


Ilang buwan ang lumipas mas lalong tumibay ang aming pagkakaibigan. Ang turing namin sa isa't isa ay parang magkapatid na. Minsan kami ay nagkukulitan, nagtawanan at nagbabahagi ng problema.


Kapag may problema ang isa sa amin ay tinutulungan naman ng isa. Kami ang klase magkaibigan na hindi nag-iiwanan. Hindi kasi namin pinapairal ang "pride" na siyang sumisira aa pagkakaibigan.


Pagdating ng recess ay sabay kaming pupunta sa canteen at bibili ng pagkain at pagkatapos ay sabay kaming babalik sa silid-aralan at sabay kaming kakain.


Hanggang ngayon ay matibay parin ang aming pagkakaibigan. Ngayon ay mas lalong nakilala pa namin ang isa't-isa dahil kapag may gawain kami ay minsan pumunta siya sa amin at ako naman sa kanila.



Tuesday, 10 September 2019

Ang Pinagbago ng Systema ng Education



Ilang taon ang nakaraan/lumipas ang mga guro ay palaging gumagawa ng "visual aid" para sa malinaw na pagturo. Kailangan pa nilang isulat ang kanilang ituturo.


Ang mag-aaral din ay gumugugol ng ilang oras para maghanda sa kanilang gawain na ilalahad sa klase. Kailangan din nilang isipan ang kanilang mga kaklase na hindi makakita sa malayo kaya kailangan nilang gumawa nito na makikita at malinaw na pagsulat mula sa likuran



May mga mag-aaral na hindi gaanong makikita lalong-lalo na kapag ang nakasulat ay maliit at hindi gaanong maganda ang pagkakasulat.



Ang pagtuturo ng guro gamit ang teknolohiya ay napadali at mabisang paraan para sa pagtuturo at ang mag mag-aaral ay madaling makakuha sa leksyon.



Napabilis ang paggawa ng takdang aralin ang mga mag-aaral kapag gumagamit ito ng teknolohiya kaysa pupunta pa sa library. Mas marami na ang magagawa ng guro at mag-aaral dahil sa tulong ng teknolohiya.

Oras mo pahalagahan mo

       Napakaganda ng eskidyul na meron kami ngayon sa aming paaralan dahil sa umaga ay makagawa pa kami ng aming mga gawain no di kaya...