Ang Plaza Independencia isa sa mga pasyalan dito sa Cebu. Marami ang pumupunta dito para maglibang, mag-insayo o di kaya'y magpahinga. Maraming pwedeng gawin sa lugar na to. Nasa sayo lang kung ano ang gusto mong gawin. Maraming turista ang pumupunta dito dahil sa angking ganda, kultura at nakakawala ng mga problema dahil sa mga halamang bumabalot nito na siyang lumilibang samga turista at mga namamasyal.
Isa ito sa mga tanawin na makikita mo sa lugar na ito. Ang monumentong ito ay may malaking naiambag sa bansa. Kung ikaw ay hindi taga rito, talagang mabibighani ka sa ganda ng tanawin. Ang lugar na ito ay dinadayo ng mga turista dahil sa angking ganda nito at ang kultura sa likod nito.
Sa parte na 'to marami ang kumukuha ng laraawan dahil sa nakagandang tanawin. Tinatawag itong "Memory Lane" dahil marami kang maalala sa tuwing pumupunta ka dito. May iba't ibang anggulo sa lugar na 'to. Marami kang alala na hindi mo malilimotan sa lugar na ito dahil kapag nakapunta ka dito hindi mo mapigiulan ang kumuha ng mga litrato dahil napakaganda ng tanawin dahil da halamang nakabalot sa lugar.
Ang lugar na ito ay ang Monumento ni Miguel Lopez de Legaspi. Siya ang Unang Gobernor na lumaban para sa bansang Pilipinas. Ang isang ito ay napakagandang tanawin dahil sa mga nakapaligid nitong mga halaman na siyang pumapawi sa iyong nkalungkutan. Hindi ka magsisisi na pumunta ka sa lugar na ito dahil napakaganda at nakakabighani.
Dito naman ay ang Tartanilla na ginagamit para paghatid at pagkuha ng mga namamasyal. Hanggang ngayon ay mayroon pa rin ito sa ibang parte ng Cebu.Sa lugar na ito ay malalaman mo ang iba't ibang kultura sa Cebu. Hindi lang ganda ang angkin sa lugar na ito kundi pati na rin ang kultura na nasa likod na siyang bumibighani sa mga turista na bumibisita sa lugar.
Realisasyon:
Sa unang pagpunta ko pa lang dito ay nakaramdam ako ng kakaiba. Habang ako ay naglalakad unti-unting nawawala ang pagod na nararamdaman ko. Ang tanawin ay nakakabighani dahil sa ganda. Simula noon, kapag may bakanting oras ako pupunta ako sa lugar na ito para mapawi ang aking mga karamdaman. Kung pupunta ka dito hinding hindi ka magsisisi dahil sa tanawin na kaaya-aya at magandang tignan.
No comments:
Post a Comment