Ang paggamit ng
plastic ay napakalaki ng tulong sa mga mamimili subalit ito ay nakakasira sa
ating kalikasan at kalusugan. Ang paksang ito ay tungkol sa kung dapat bang
tanggalin o ihinto ang paggamit ng plastic. Ito ay kailangang pagtuunan ng
pansin ng lahat para hindi magsisisi ang karamihan sa kung anong gagawing desisyon.
Ayon kay Hazel
Ann Carcellar (2019) hindi dapat tuluyang tanggalin ang paggamit ng plastic
kung hindi limitahan lamang ito para kahit papaano ay nakatulong tayo sa pagbaba ng
dami ng basura. Ayon sa kanya kung tuluyang tanggalin o ihinto ang paggamit ng
plastic wala nang malalagyan sa mga bilihin na mabibigat at sa mga bilihin
na basa kagaya ng isda, karne at iba pa. Subalit ito ay palitan ng alternatibong
magagamit para lalagyan ng mga mabibigat na bilihin.
Ayon
kay Cathyline A. Cartilla at Domingga Ylores (2019) ang paggamit ng plastic ay
nakakasira sa kapaligiran at para hindi na rin maghihirap ang mga “organism”.
Ito ay nakakabuti para mabawasan na ang dami ng mga basura na kumakalat sa
paligid. Ito kasi ang dahilan kung bakit napakadaling babaha sa daan dahil sa
mga basura na humaharang sa daanan nito. Unti-unti na ring nasisira ang
kagubatan dahil sa mga basura na tinatapon sa kagubatan. Sa karagatan naman ay
unti-unti na ring nauubos ang mga lamang dagat dahil samga kemikal na
dumadaloy sa tubig ng karagatan. Hindi kasi ito nabubulok kaagad kaya habang
nagtatagal ay dumadami ang basura na kumakalat sa kagubatan at sa karagatan. Kaya
kailangan na talaga itong itigil bago pa maubos ang mga puno, halaman, “organism”,
lamang dagat at iba pa.
Ito ay kailangang
pagtuunan ng pansin ng lahat para hindi magsisisi ang karamihan sa kung anong
gagawing desisyon. Maraming masasamang epekto ito sa kalusugan dahil maaaring
makakuha tayo ng kemikal sa pagitan ng paghinga natin dahil ito ay humalo sa
hangin. Itigil na natin ang paggamit nito. Gagawa na lang tayo ng ibang
magagamit na pampalit sa plastic.
No comments:
Post a Comment