Wednesday, 9 October 2019

Dapat ba talagang tanggalin ang takdang aralin sa mga mag-aaral?


Bakit o ano nga ba takdang aralin?
Ang paksang ito ay ukol sa pagtanggal ng takdang aralin sa mga mag-aaral. Kailangan itong pag-usapan ng marami dahil malaki ang epekto nito sa mga mag-aaral at sa larangan ng edukasyon. Ang takdang aralin ay makakatulong sa mga mag-aaral para mas lalong magpursige ang mga ito sa pag-aaral.
Ang takdang aralin ay nakakadagdag sa mga gawain ng mga mag-aaral. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Harris Cooper ng Duke University, sa 180na research studies na inaral niya,n wala raw ebidensiya na nakakabuti ang mga takdang aralin sa academics ng estudyante sa elemtarya. Bagkus nagdudulot pa raw ito ng mga problema sa mga bata-katulad ng negatibong pananaw tungkol sa eskwelahan at nagiging sanhi ng tension sa magpapamilya. Sa puntong ito, tugma ang sinasabi ng manunulat ng artikulo sa ideya ng Deped, ngunit kulang pa ang no homework policy tuwing weekend. Ayon kay Heather, kailangan na wala talagang ibigay na homework. Period. Hindi maaring bigyan nng takdang aralin ang mga estudyante sa katapusan ng linggo upang matamasa nila ang pagiging bata at magkaron ng oras para sa kanilang mga magulang nang hindi inaalala ang paggawa ng maraming takdang aralin.
Ang takdang aralin ay malaking tulong sa mga mag-aaral. Ayon sa panayam ng Radyo Inquirer kay ACT Philippines chairperson Joselyn Martinez, walang magulang na hindi hinahangad na magkaroon ng kalidad na oras sa kanilang anak. Ayon kay Martinez, may takdang aralin man o wala, mas maraming magulang ang hindi na rin kinakayang maturuan ang kanilang mga anak dahil mas maraming magulang ay nasa trabaho, late na kung umuwi galing sa trabaho at mas marami ay pagod na sila.
Iginiit din nito na ang tunay na problema ay ang siksik at dami ng competencies o skills na dapat matutunan ng isang bata sa loob ng isang araw. Dagdag pa nito na kulang ang oras at hindi kayang tapusin sa isang oras o 50 minuto na itinakda ng Kagawaran ng Education (DepEd).
Paliwanag ni Martinez na ang pagbibigay ng mga takdang aralin at reinforcement ng mga natutunan sa paaralan ng mga bata, kaya lamang hindi rin ito naisasgawa ng maayos dahil sa kulang ang mga aklat na ibinibigay ng DepEd.
Ito ay tinutulan ng grupo ng mga guro ang panukalang inihain sa Kamara na layong pagbawalan ang pagbibigay ng takdang aralin sa mga mag-aaral tuwing weekend. “Pinakamasakit sa amin, ano? ‘Yong tingin naming dito ay isang pambalewala sa aming propesyon, insulto sa aming mga guro,” ani Teachers’ Dignity Coalition national chairperson Benjo Basas. Sa ilalim ng House Bill No. 388, na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, ipagbabawal ang pagbibigay ngt mga guro ng takdang aralin sa mga estudyante sa elementarya at high school tuwing weekend. Pagmultahin ng P50,000 ang mga lalabag at maaring makulong ng hanggang dalawang taon. Isa si Emmalyn Policarpio sa mga gurong tutol din sa panukala. Halos araw-araw siyang nagbibigay ng takdang aralin sa mga estudyante sa elementarya dahil naniniwala siyang iyon ang paraan para talagang matutunan ng mga bata ang mga itinuro sa kanila sa klase. “Dito mo ma-instill sa bata ang disiplina. Bukod doon, ‘yong pagiging responsible. Hindi po kais nagtatapos sa paaralan ‘yong kanilang pagkatuto.” Ani Policarpio.
Ang takdang aralin bilang isang gawaing pagkatuto. Ang takdang-aralin na kilala rin sa Ingles na Homework Assignment ay tumutukoy sa isang gawain na ibinibigay ng guro sa mga mag-aaral na inaasahang gagawin sa kani-kanilang mga tahanan. At karaniwang sa mga ibinibigay na takdang-aralin ay nangangailangan ngpagbabasa, pagsusulat, pagtataya at pag-eenkowd. Ibinibigay ang takdang-aralin upang umatanto ng guro ang mga natutunan at mga dapat pang bigyang diin sa paksang pinag-aaralan.Ayon sa kasaysayan, ang pagbibigay ng takdang ay nagsimula sa kultura ng America. Ngunit may panahon na itinigil ng mga paaralan ang pagbibigay nito dahil nakadaragdag lamang daw sa mga pang-araw-araw na gawain. Ayon sa pag-aaral ng mga taga-Duke University, may mabuting dulot sa student achievement ang pagbibigay ng takdang aralin lalo na kung tama ang dami at tama ang paraan ng pagbibigay nito. Dahil kung sobrang dami ang mga ibinibigay na takdang aralin, maaaring mauwi ito sa pagkahupa (stress), pagkapagod, at kakulangan ng panahon upang mapag-aral ng mabuti ang mga aralin. Makabubuti rin kung ang mga takdang aralin ay iniwawasto kaagad at binibigyang diin ang mga dapat matutunan at hindi ang puntos o iskor lamang. Ang pagbibigay ng tugon o komento ng guro sa mga takdang aralin ng mga mag-aaral ay mahalaga rin upang maging malinaw sa mga mag-aaral ang mga dapat matutunan. Iminungkahi ni Cooper, ang mga ibinibigay na takdang aralin ay hindi dapat lalampas sa sampung minuto upang gawin ito. Tinawag niya itong “10-minute rule”. Mula sa pinakamababang level magsisimula ito sa paggawa ng takdang aralin na sampung minuto at habang papataas ang level ng pag-aaral ay madadagdagan ng sampung minuto ang pagsasagawa ng mga takdang-aralin. Sa huli, kailangang iangkop ng mga guro ang level, kakayahan at panahon ang mga ibinibigay na takdang-aralin sa mga mag-aaral upang hindi maisakripisyo ang mga mabuting bunga nito sa pagkatuto.
Para sa guro ng mga pribadong paaralan mas importante pa rin na may ginagawang takdang aralin ang mga mag-aaral tuwing weekend. “Nasira na ng social media ang magandang imahe ng tablet education, cyber crime addiction, depression lahat yan nangyayari kapag nasa bakasyon ang estudyante eh,” ani Eleazardo Kasilag, pangnulo ng Federation of Association of Private Schoo; and Administrators.
Ang takdang aralin ay nakakatulong sa mga mag-aaral para mas lalong magpursige ang mga ito sap ag-aaral. Hindi dapat mawala ang takdang aralin dahil napakalaki ang epekto nito sa mag-aaral at sa larangan ng edukasyon.
Kung mabigyan ako ng pagkakataon na ilahad kung gaano ka halaga ang takdang aralin sa mag-aaral ay magbibigay ako ng oras para dito.

No comments:

Post a Comment

Oras mo pahalagahan mo

       Napakaganda ng eskidyul na meron kami ngayon sa aming paaralan dahil sa umaga ay makagawa pa kami ng aming mga gawain no di kaya...