Ang paksang ito
ay tungkol sa pagtatrabaho ng mga Senior High School na mag-aaral. Ito ay dapat
pag-isipan ng mabuti dahil malaki ang epekto nito sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Ang pagkakaroon ng trabaho ng mga Senior High School na mag-aaral ay nakakatulong
sa kanilang pag-aaral at sa kanilang pamilya. Makakatulong din ito sa kanila
upang malinang nila kung ano o paano magtrabaho ng tama.
Ang
pagtrabaho ng mga Senior High School na mag-aaral ay nakadepende sa kanilang
estado sa buhay kaya kung makakaya ng kanilang magulang na suportahan ang
kanilang pag-aaral ng kanilang anak ay hindi na ito kailangang hahanap pa ng
trabaho para kumita ng pera (H.A. Carcellar).
Ang
mga mag-aaral sa Senior High School ay kailangang magtrabaho upang masanay sila
at madisiplina. Kung sila ay magtatrabaho may mga nagong kaalaman silang
matutunan o makukuha. Ito ay nagsisilbing gabay nila para sa pagdating ng
panahon na kailangan na nilang magtrabaho ng walong oras ay sanay na sila hindi
na sila manibago sa mga gawain. Isa din itong paraan upang madisiplina nila ang
kanilang sarili. Sa pagtatrabaho may mga bagay na pwede mong i-apply sa iyong
sarili. Isa din itong paraan paara malinang kung paano gamitin ang oras sa
tamang paraan para hindi ito masayang (iilan sa mga guro ng City Central High
School).
Ang
pagkaroon ng trabaho ng mga Senior High School ay nakakatulong sa mga mag-aaral
at sa kanilang pamilya. Makakuha rin sila nito ng mga dapat nilang gawin sa
daraing na panahon na kailangan na nilang magtrabaho. Kaya ngayon ay gusto kong
sabihan sila na magtrabaho habang nag-aaral dahil ito ay nagsisilbing pundasyon
nila upang malinang ang mga bagay na dapat nilang malinang o matutunan.
No comments:
Post a Comment