Ang bagay na ito ay napakalaki ng epekto sa mga mag-aaral. Karamihan ng mag-aaral ay meron na nito. Dahil ito ay maraming pakinabang sa mag-aaral subalit nakadepende ito sa paggamit. Marami itong magagawa at napapabilis pa subalit meron din itong "disadvantages" dahil sa mali o subrang paggamit nito.
Karamihan sa mga mag-aaral ngayon ay nakadepende sa iba't ibang klase ng teknolohiya. Dito na lang sila kumakapit. Kahit sa simpleng bagay o gawain sa pag-aaral, ginagamitan agad nito.
Ayon sa aking obserbasyon karamihan ng mga mag-aaral ngayon ay hindi na nakikinig sa guro sa oras ng klase. Ang iba ay naglalaro, ang iba naman ay nagfafacebook, at meron ding nagbabasa ng ebook. Ito ay ang mga maling paggamit ng teknolohiya dahil siguro hindi nila alam ang epekto nito sa kanilang pag-aaral.
Sa oras ng "recess", sa halip na bibili ng pagkain ay naglalaro na lamang sila. Napapabayaan na ang kanilang pagkain. At sa halip na gagawa ng mga takdang aralin o ano mang gawain sa paaralan ay ginugugol na lamang nila sa paggamit ng teknolohiya na wala namang maitutulong sa kanilang pag-aaral.
Pagdating nila sa bahay ay agad silang kukuha ng kani-kanilang "cellphone" para magfacebook, maglaro ng online games, magbasa ng ebook at iba pang gawain na meron sa teknolohiya. Ang oras na sana ay ginugugol sa pakikipag-usap sa kani-kanilang pamilya ay pinagpalit nila sa paggamit ngn teknolohiya.
Kung ikaw ang nasa posisyong ito, ano ang gagawin mo na alam mo na ang pinagbago simula nang dumating ang iba't ibang teknolohiya?
No comments:
Post a Comment