Nagsimula ang aming pagkakaibigan noong may ginawa kaming gawain sa isang asignatura. Simula noon palagi na kaming nagtutulungan sa mga gawain sa paaralan.
Ilang buwan ang lumipas mas lalong tumibay ang aming pagkakaibigan. Ang turing namin sa isa't isa ay parang magkapatid na. Minsan kami ay nagkukulitan, nagtawanan at nagbabahagi ng problema.
Kapag may problema ang isa sa amin ay tinutulungan naman ng isa. Kami ang klase magkaibigan na hindi nag-iiwanan. Hindi kasi namin pinapairal ang "pride" na siyang sumisira aa pagkakaibigan.
Pagdating ng recess ay sabay kaming pupunta sa canteen at bibili ng pagkain at pagkatapos ay sabay kaming babalik sa silid-aralan at sabay kaming kakain.
Hanggang ngayon ay matibay parin ang aming pagkakaibigan. Ngayon ay mas lalong nakilala pa namin ang isa't-isa dahil kapag may gawain kami ay minsan pumunta siya sa amin at ako naman sa kanila.
No comments:
Post a Comment