Simula noong ako ay nasa ika-7
baitang ang problema sa basura ay nandiyan na. Ilang tao na ang namumuno sa
paaralan. Hanggang ngayon ay wala pa ring pinagbago. Hindi ko alam kung
nag-iisip ba ang mga mag-aaral kung tama o mali ang kanilang ginagawa. Karamihan
sa mga mag-aaral ay walang pakialam sa basurang nakakalat sa paligid ng
paaralan. Wala silang pakialam kung nasa tama bang lalagyan ang nilagyan nila o
hindi ang sa kanila ay ang makatapon lang ng basura. Isa ako sa mga namuno sa
isang organisasyon sa paaralan. Noong umpisa ay sumusunod ang mga mag-aaral
subalit paglipas ng ilang buwan ay hindi na naman nila ginagawa ang kanilang dapat
gawin. Nagtatapon na naman sila ng basura kahit saan. Ang hirap talaga kapag
gusto mong gawin ang isang bagay na nakakabuti subalit walang makikinig at
susuporta sayo. Karamihan kasi ng mga mag-aaral ngayon ay napakatamad at
napakatigas ng ulo. Hindi na sila sumusunod sa mga panukala ng paaralan. Karamihan
ay nakikipagtalo pa sa kani-kanilang mga guro dahil sa inutusan itong maglinis
sa silid-aralan. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa iyon. Alam naman nila
na may mga lalagyan sa bawat klase ng basura pero bakit hindi pa rin nila ito
nasusunod? Ano ba ang mawawala sa kanila kung susunod sila sa tamang pagtapon ng basura? Nais ko sanang humingi ng tulong sa awtoridad ng aming paaralan na
muling ipatupad ang aming nasimulan noon. Sana ay matauhan na ang mga mag-aaral
sa paaralan na kung saan ako nag-aaral ngayon. Ang kalinisan ay napakamahalaga
upang tayo ay makaiwas sa mga sakit na nagmumula sa maruming paligid.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Oras mo pahalagahan mo
Napakaganda ng eskidyul na meron kami ngayon sa aming paaralan dahil sa umaga ay makagawa pa kami ng aming mga gawain no di kaya...
-
Bakit o ano nga ba takdang aralin? Ang paksang ito ay ukol sa pagtanggal ng takdang aralin sa mga mag-aaral. Kailangan itong pag-usapan ...
-
Ang paksang ito ay tungkol sa pagtatrabaho ng mga Senior High School na mag-aaral. Ito ay dapat pag-isipan ng mabuti dahil malaki ang epek...
-
Napakaganda ng eskidyul na meron kami ngayon sa aming paaralan dahil sa umaga ay makagawa pa kami ng aming mga gawain no di kaya...
No comments:
Post a Comment