Tuesday, 15 October 2019

Oras mo pahalagahan mo

       Napakaganda ng eskidyul na meron kami ngayon sa aming paaralan dahil sa umaga ay makagawa pa kami ng aming mga gawain no di kaya'y magtrabaho. Hindi ko sinasayang ang oras dahil mapaka-importante nito sa akin. Kailangan ko talagang bigyan ng halaga ang bawat oras dahil ito ay magbibigay sa akin ng aking mga kakailanganin sa pang-araw-araw. Sa bawat araw na lumipas na wala akong ginawa o trabaho ay ginugol ko sa aking sarili para ni kahit minsan ay magkaroon ako ng oras magpahinga. Para sa akin ito ay biyaya na bigay ng panginoon dahil napunta kami sa ikalawang sesyon kaya ako ay nakapagtrabaho sa umaga. NApakabait talaga ng panginoon dahil pinahintulutan niya akong makapagtrabaho sa umaga.
            Sa ibang banda, hindi ko alam kung bakit ang ibang mag-aaral ay nahuhuli sa pagpasok sa paaralan. Napakasuwerte namin dahil may oras pa kami sa umaga para gumawa ng kakailanganin namin sa paaralan. Hindi nila ito binigyan ng halaga kaya sila nagkakaganito. Hindi nila naiisip na naiiba ito sa ibang paaralan. 

Sunday, 13 October 2019

Basura mo bitbitin mo




            Simula noong ako ay nasa ika-7 baitang ang problema sa basura ay nandiyan na. Ilang tao na ang namumuno sa paaralan. Hanggang ngayon ay wala pa ring pinagbago. Hindi ko alam kung nag-iisip ba ang mga mag-aaral kung tama o mali ang kanilang ginagawa. Karamihan sa mga mag-aaral ay walang pakialam sa basurang nakakalat sa paligid ng paaralan. Wala silang pakialam kung nasa tama bang lalagyan ang nilagyan nila o hindi ang sa kanila ay ang makatapon lang ng basura. Isa ako sa mga namuno sa isang organisasyon sa paaralan. Noong umpisa ay sumusunod ang mga mag-aaral subalit paglipas ng ilang buwan ay hindi na naman nila ginagawa ang kanilang dapat gawin. Nagtatapon na naman sila ng basura kahit saan. Ang hirap talaga kapag gusto mong gawin ang isang bagay na nakakabuti subalit walang makikinig at susuporta sayo. Karamihan kasi ng mga mag-aaral ngayon ay napakatamad at napakatigas ng ulo. Hindi na sila sumusunod sa mga panukala ng paaralan. Karamihan ay nakikipagtalo pa sa kani-kanilang mga guro dahil sa inutusan itong maglinis sa silid-aralan. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa iyon. Alam naman nila na may mga lalagyan sa bawat klase ng basura pero bakit hindi pa rin nila ito nasusunod? Ano ba ang mawawala sa kanila kung susunod sila sa tamang pagtapon ng basura? Nais ko sanang humingi ng tulong sa awtoridad ng aming paaralan na muling ipatupad ang aming nasimulan noon. Sana ay matauhan na ang mga mag-aaral sa paaralan na kung saan ako nag-aaral ngayon. Ang kalinisan ay napakamahalaga upang tayo ay makaiwas sa mga sakit na nagmumula sa maruming paligid.

Tubig ang buhay ko



      
        Halos isang taon na ang nakalipas ang supply ng tubig dito sa Cebu ay hindi na normal dahil ito ay kadalasang nawawala. Babalik ito ilang oras o di kaya’y isang araw pero minsan pa nga ay aabot ito ng isang lingo. Ang hirap kapag walang tubig. Hindi ka makapagluto, minsan hindi rin makaligo, hindi makapaglaba ng mga damit. Hindi mo alam kung ano ang gagawin. Kung ikaw ay isang klase ng tao na hindi marunong gumawa ng paraan ay hinid ka makakain. Hindi lang yan marami pang iba. Mabuti na lang sa lugar namin ay may alternatibong pagkukunan ng tubig. Ditto kami kumukuha ng tubig pangligo at para sa paglalaba na rin. Subalit bago ka makakuha ng tubig ay kailangan mo pang maghintay ng ilang sandali. Marami kasing kumukuha ditto ng tubig kaya matatagalan kami lalong lalo na sa umaga dahil maraming mag-aaral at nagtatrabaho na maagang papasok kaya maaga rin silang kukuha ng tubig. Napakasuwerte ng lugar namin sa lugar na tinitirahan ko dahil meron kaming mapagkukunan ng tubig kapag walang supply ng tubig mula sa MCWD (Metropolitan Cebu Water District). Sa buhay ng tao ay napakaimportante ng tubig dahil ito ay nabibigay ng enerhiya at hindi lang yan ito rin ang ginagamit natin sa araw araw. Sa bahay na tinitirahan ko ay hindi kami nag-aaksaya ng tubig. Ang tubig na ginigamit namin sa paglalaba ay inilagay namin sa lalagyan para magamit namin ulit para sa CR (comfort room). Kaya ngayon kung isa kayo sa mga lugar na hinid normal ang supply ng tubig ay sana sa pagbalik nito ay matuto na kayong gumamit ng tubig na hindi naakasaya. Dapat ito ay gamitin ng maayos dahil tayo rin ang maghihirap kapag walang na naming supply ng tubig.


Thursday, 10 October 2019

Dapat ba talagang magtrabaho ang mga Senior High School


Ang paksang ito ay tungkol sa pagtatrabaho ng mga Senior High School na mag-aaral. Ito ay dapat pag-isipan ng mabuti dahil malaki ang epekto nito sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang pagkakaroon ng trabaho ng mga Senior High School na mag-aaral ay nakakatulong sa kanilang pag-aaral at sa kanilang pamilya. Makakatulong din ito sa kanila upang malinang nila kung ano o paano magtrabaho ng tama.
                Ang pagtrabaho ng mga Senior High School na mag-aaral ay nakadepende sa kanilang estado sa buhay kaya kung makakaya ng kanilang magulang na suportahan ang kanilang pag-aaral ng kanilang anak ay hindi na ito kailangang hahanap pa ng trabaho para kumita ng pera (H.A. Carcellar).
                Ang mga mag-aaral sa Senior High School ay kailangang magtrabaho upang masanay sila at madisiplina. Kung sila ay magtatrabaho may mga nagong kaalaman silang matutunan o makukuha. Ito ay nagsisilbing gabay nila para sa pagdating ng panahon na kailangan na nilang magtrabaho ng walong oras ay sanay na sila hindi na sila manibago sa mga gawain. Isa din itong paraan upang madisiplina nila ang kanilang sarili. Sa pagtatrabaho may mga bagay na pwede mong i-apply sa iyong sarili. Isa din itong paraan paara malinang kung paano gamitin ang oras sa tamang paraan para hindi ito masayang (iilan sa mga guro ng City Central High School).
                Ang pagkaroon ng trabaho ng mga Senior High School ay nakakatulong sa mga mag-aaral at sa kanilang pamilya. Makakuha rin sila nito ng mga dapat nilang gawin sa daraing na panahon na kailangan na nilang magtrabaho. Kaya ngayon ay gusto kong sabihan sila na magtrabaho habang nag-aaral dahil ito ay nagsisilbing pundasyon nila upang malinang ang mga bagay na dapat nilang malinang o matutunan.
               

Wednesday, 9 October 2019

Dapat ba talagang tanggalin ang takdang aralin sa mga mag-aaral?


Bakit o ano nga ba takdang aralin?
Ang paksang ito ay ukol sa pagtanggal ng takdang aralin sa mga mag-aaral. Kailangan itong pag-usapan ng marami dahil malaki ang epekto nito sa mga mag-aaral at sa larangan ng edukasyon. Ang takdang aralin ay makakatulong sa mga mag-aaral para mas lalong magpursige ang mga ito sa pag-aaral.
Ang takdang aralin ay nakakadagdag sa mga gawain ng mga mag-aaral. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Harris Cooper ng Duke University, sa 180na research studies na inaral niya,n wala raw ebidensiya na nakakabuti ang mga takdang aralin sa academics ng estudyante sa elemtarya. Bagkus nagdudulot pa raw ito ng mga problema sa mga bata-katulad ng negatibong pananaw tungkol sa eskwelahan at nagiging sanhi ng tension sa magpapamilya. Sa puntong ito, tugma ang sinasabi ng manunulat ng artikulo sa ideya ng Deped, ngunit kulang pa ang no homework policy tuwing weekend. Ayon kay Heather, kailangan na wala talagang ibigay na homework. Period. Hindi maaring bigyan nng takdang aralin ang mga estudyante sa katapusan ng linggo upang matamasa nila ang pagiging bata at magkaron ng oras para sa kanilang mga magulang nang hindi inaalala ang paggawa ng maraming takdang aralin.
Ang takdang aralin ay malaking tulong sa mga mag-aaral. Ayon sa panayam ng Radyo Inquirer kay ACT Philippines chairperson Joselyn Martinez, walang magulang na hindi hinahangad na magkaroon ng kalidad na oras sa kanilang anak. Ayon kay Martinez, may takdang aralin man o wala, mas maraming magulang ang hindi na rin kinakayang maturuan ang kanilang mga anak dahil mas maraming magulang ay nasa trabaho, late na kung umuwi galing sa trabaho at mas marami ay pagod na sila.
Iginiit din nito na ang tunay na problema ay ang siksik at dami ng competencies o skills na dapat matutunan ng isang bata sa loob ng isang araw. Dagdag pa nito na kulang ang oras at hindi kayang tapusin sa isang oras o 50 minuto na itinakda ng Kagawaran ng Education (DepEd).
Paliwanag ni Martinez na ang pagbibigay ng mga takdang aralin at reinforcement ng mga natutunan sa paaralan ng mga bata, kaya lamang hindi rin ito naisasgawa ng maayos dahil sa kulang ang mga aklat na ibinibigay ng DepEd.
Ito ay tinutulan ng grupo ng mga guro ang panukalang inihain sa Kamara na layong pagbawalan ang pagbibigay ng takdang aralin sa mga mag-aaral tuwing weekend. “Pinakamasakit sa amin, ano? ‘Yong tingin naming dito ay isang pambalewala sa aming propesyon, insulto sa aming mga guro,” ani Teachers’ Dignity Coalition national chairperson Benjo Basas. Sa ilalim ng House Bill No. 388, na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, ipagbabawal ang pagbibigay ngt mga guro ng takdang aralin sa mga estudyante sa elementarya at high school tuwing weekend. Pagmultahin ng P50,000 ang mga lalabag at maaring makulong ng hanggang dalawang taon. Isa si Emmalyn Policarpio sa mga gurong tutol din sa panukala. Halos araw-araw siyang nagbibigay ng takdang aralin sa mga estudyante sa elementarya dahil naniniwala siyang iyon ang paraan para talagang matutunan ng mga bata ang mga itinuro sa kanila sa klase. “Dito mo ma-instill sa bata ang disiplina. Bukod doon, ‘yong pagiging responsible. Hindi po kais nagtatapos sa paaralan ‘yong kanilang pagkatuto.” Ani Policarpio.
Ang takdang aralin bilang isang gawaing pagkatuto. Ang takdang-aralin na kilala rin sa Ingles na Homework Assignment ay tumutukoy sa isang gawain na ibinibigay ng guro sa mga mag-aaral na inaasahang gagawin sa kani-kanilang mga tahanan. At karaniwang sa mga ibinibigay na takdang-aralin ay nangangailangan ngpagbabasa, pagsusulat, pagtataya at pag-eenkowd. Ibinibigay ang takdang-aralin upang umatanto ng guro ang mga natutunan at mga dapat pang bigyang diin sa paksang pinag-aaralan.Ayon sa kasaysayan, ang pagbibigay ng takdang ay nagsimula sa kultura ng America. Ngunit may panahon na itinigil ng mga paaralan ang pagbibigay nito dahil nakadaragdag lamang daw sa mga pang-araw-araw na gawain. Ayon sa pag-aaral ng mga taga-Duke University, may mabuting dulot sa student achievement ang pagbibigay ng takdang aralin lalo na kung tama ang dami at tama ang paraan ng pagbibigay nito. Dahil kung sobrang dami ang mga ibinibigay na takdang aralin, maaaring mauwi ito sa pagkahupa (stress), pagkapagod, at kakulangan ng panahon upang mapag-aral ng mabuti ang mga aralin. Makabubuti rin kung ang mga takdang aralin ay iniwawasto kaagad at binibigyang diin ang mga dapat matutunan at hindi ang puntos o iskor lamang. Ang pagbibigay ng tugon o komento ng guro sa mga takdang aralin ng mga mag-aaral ay mahalaga rin upang maging malinaw sa mga mag-aaral ang mga dapat matutunan. Iminungkahi ni Cooper, ang mga ibinibigay na takdang aralin ay hindi dapat lalampas sa sampung minuto upang gawin ito. Tinawag niya itong “10-minute rule”. Mula sa pinakamababang level magsisimula ito sa paggawa ng takdang aralin na sampung minuto at habang papataas ang level ng pag-aaral ay madadagdagan ng sampung minuto ang pagsasagawa ng mga takdang-aralin. Sa huli, kailangang iangkop ng mga guro ang level, kakayahan at panahon ang mga ibinibigay na takdang-aralin sa mga mag-aaral upang hindi maisakripisyo ang mga mabuting bunga nito sa pagkatuto.
Para sa guro ng mga pribadong paaralan mas importante pa rin na may ginagawang takdang aralin ang mga mag-aaral tuwing weekend. “Nasira na ng social media ang magandang imahe ng tablet education, cyber crime addiction, depression lahat yan nangyayari kapag nasa bakasyon ang estudyante eh,” ani Eleazardo Kasilag, pangnulo ng Federation of Association of Private Schoo; and Administrators.
Ang takdang aralin ay nakakatulong sa mga mag-aaral para mas lalong magpursige ang mga ito sap ag-aaral. Hindi dapat mawala ang takdang aralin dahil napakalaki ang epekto nito sa mag-aaral at sa larangan ng edukasyon.
Kung mabigyan ako ng pagkakataon na ilahad kung gaano ka halaga ang takdang aralin sa mag-aaral ay magbibigay ako ng oras para dito.

Tuesday, 8 October 2019

Dapat bang tanggalin o ihinto ang paggamit ng plastic?




Ang paggamit ng plastic ay napakalaki ng tulong sa mga mamimili subalit ito ay nakakasira sa ating kalikasan at kalusugan. Ang paksang ito ay tungkol sa kung dapat bang tanggalin o ihinto ang paggamit ng plastic. Ito ay kailangang pagtuunan ng pansin ng lahat para hindi magsisisi ang karamihan sa kung anong gagawing desisyon.

Ayon kay Hazel Ann Carcellar (2019) hindi dapat tuluyang tanggalin ang paggamit ng plastic kung hindi limitahan lamang ito para kahit papaano ay nakatulong tayo sa pagbaba ng dami ng basura. Ayon sa kanya kung tuluyang tanggalin o ihinto ang paggamit ng plastic wala nang malalagyan sa mga bilihin na mabibigat at sa mga bilihin na basa kagaya ng isda, karne at iba pa. Subalit ito ay palitan ng alternatibong magagamit para lalagyan ng mga mabibigat na bilihin.

Ayon kay Cathyline A. Cartilla at Domingga Ylores (2019) ang paggamit ng plastic ay nakakasira sa kapaligiran at para hindi na rin maghihirap ang mga “organism”. Ito ay nakakabuti para mabawasan na ang dami ng mga basura na kumakalat sa paligid. Ito kasi ang dahilan kung bakit napakadaling babaha sa daan dahil sa mga basura na humaharang sa daanan nito. Unti-unti na ring nasisira ang kagubatan dahil sa mga basura na tinatapon sa kagubatan. Sa karagatan naman ay unti-unti na ring nauubos ang mga lamang dagat dahil samga kemikal na dumadaloy sa tubig ng karagatan. Hindi kasi ito nabubulok kaagad kaya habang nagtatagal ay dumadami ang basura na kumakalat sa kagubatan at sa karagatan. Kaya kailangan na talaga itong itigil bago pa maubos ang mga puno, halaman, “organism”, lamang dagat at iba pa.

Ito ay kailangang pagtuunan ng pansin ng lahat para hindi magsisisi ang karamihan sa kung anong gagawing desisyon. Maraming masasamang epekto ito sa kalusugan dahil maaaring makakuha tayo ng kemikal sa pagitan ng paghinga natin dahil ito ay humalo sa hangin. Itigil na natin ang paggamit nito. Gagawa na lang tayo ng ibang magagamit na pampalit sa plastic.



Wednesday, 18 September 2019

Malawak na Tanawin

Habang ikaw ay naglalakad papunta sa lugar na ito makikita mo ang ibang parte nito. Makikita mo ang tanawin na kakaiba. Mapakaganda sa mata ang lugar na ito. Kulay berde ang makikita mo kahit saan ka tumingin. Magandang puntahan ang lugar na ito dahil natatanging ganda nito lalong lalo na kapag maaraw. Makikita mo ang tanawin nang napakaliwanag. Magandang puntahan ang lugar na ito kasama ang iyongkaibigan, pamilya o kahit sino dahil ang lugar na ito ay nagpapagaan ng kalooban.


Sa lugar na to nagpahinga kami sahil malayo na ang aming napuntahan. Ang iba sa amin ay naglaro sa harap namin. Kahit sobrang lakas ng init ng araw ay patuloy pa rin silang naglalaro. Hindi mo naman maramdaman ang init ng araw dahil lakas ng hangin na nasa lugar. 


Dahil sa ganda ng lugar kumuha kami ng mga larawan para mayroon kaming makikita sa paglipas ng panahon. 


Pagdating namin dito sa ilalim ng mga malaking halaman ay nagpahinga kami at kumain. Habang kumakain kami ay nagkuwentuhan kami tungkol sa mga buhay namin. Pagkatapos ay naglaro na naman kami ulit sa ilalim ng araw. Ilang oras ang ginugol namin sa pagpunta namin dito para hindi masayang ang panahon.



Ito ang huling lugar na pinuntahan namin. Umiikot kami hanggang napunta kami sa lugar na ito. Napakaganda ng tanawin na talagang mabibighani ka. Sa ganda ng tanawin ay gusto mong balik balikan ang lugar na ito. 





Realisasyon:
Ang paglalakbay ay isang paraan para mapatibay ang relasyon ng magkakaibigan, sa pamilya at iba pang pwede mong makasama sa pagpunta sa lugar na ito.



Oras mo pahalagahan mo

       Napakaganda ng eskidyul na meron kami ngayon sa aming paaralan dahil sa umaga ay makagawa pa kami ng aming mga gawain no di kaya...